f2-logistic
By

Maraño, F2 babakuran ang Superliga crown

Sharing is caring!

Mga Laro sa Martes:
(Smart Araneta Coliseum)
4:15 pm – Cocolife vs Foton
7:00 pm – F2 Logistics vs Petron

Aminado ang F2 Logistics na hindi magiging madali ang pagdepensa sa kanilang korona.

Alam ng Cargo Movers na paghahandaan sila nang todo ng Petron sa kanilang paghaharap sa Game 1 best-of-three finals ng Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix ngayong alas-7 ng gabi.

Ayon kay F2 Logistics coach Arnold Laniog, nakahanda ang kanyang mga bataan.

“The mindset of the players is to defend the title,” ani Laniog.

Sinabi rin ni Laniog kina Kim Fajardo, Aby Maraño at Cha Cruz na kailangan nilang suportahan ang kanilang mga import na sina Most Valuable Player MJ Perez at Kennedy Bryan.

“I’m telling the players that they are the reigning champions and everybody is looking to beat them. So they have to show up prepared and ready to win because their pride as defending champions is at stake.” hayag ni Laniog.

Samantala, inaasahang uusok ang ilong ng Blaze Spikers dahil pagkakataon na nilang makabawi sa Cargo.

Kinalos ng F2 Logistics ang Petron sa championship round nakaraang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?