52

May 6, 2020 @ 21:07
By

‘Maraming plastic sa gobyerno’ – Vico Sotto

Naghahanap ng plastic si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Alam daw niyang maraming plastic sa gobyerno pero hindi iyon ang hinahanap niya sa ngayon, biro ng alkalde sa kanyang Twitter post nitong Miyerkoles.

Nagtanong siya sa mga netizen kung saan makakabili ng materials para sa quarantine facility ng lungsod.

“Phase1 of our new Centralized Quarantine Facility is near ready. Problema lang, wala kaming mahanap na PLASTIC para sa room dividers,” ani Sotto.

“Opo maraming plastic sa gobyerno pero hindi yun yung plastic na hinahanap sa ngayon haha. 30rolls na polyethylene ang kailangan,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?