80

By

Maraming Pinoy wala pa ring tiwala sa China – Pulse Asia

Nananatili pa ring pinaka-pinagkakatiwalaan ng mga Filipino ang Amerika kumpara sa ibang bansa gaya ng China.

Sa isinagawang Pulse Asia survey noong December 14-21, 2018, lumabas na “most trusted country” pa rin ng mga Pinoy ang United States sa nakuha nitong 84%, na limang puntos ang itinaas kumpara noong nakaraang taon.

Sumunod sa pinagkakatiwalaan ng Pinoy ang Japan sa 75%, sinundan ng Australia (72%) at United Kingdom (57%).

Maraming Pinoy naman ang wala pa ring tiwala sa China na nakakuha ng 60 percent distrust rating samantalang 54 percent distrust rating naman sa Russia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?