110

Sep 15, 2021 @ 18:21
By

Maraming hindi patas! Diokno tatakbo ulit na senador

Inanunsyo ni human rights lawyer Jose Manuel “Chel” Diokno na kakandidatong muli siya sa pagka-senador sa 2022 elections.

“Yes, tatakbo ulit ako sa Senado. Napakaraming bagay ang hindi patas dito sa atin—sa batas, sa ekonomiya, sa mga patakaran sa COVID. Gawin nating mas makatarungan ang buhay ng mga Pilipino,” tweet niya ngayong Miyerkoles.

Aniya sa The Chiefs, isa siyang independent candidate sa ngayon at hindi umanib sa partido.

Suportado raw niya ang layunin ng 1Sambayan na magkaroon ng united slate dahil sa tingin niya ay lalaki ang tsansa ng oposisyon kapag nagsama-sama silang lahat.

Nauna nang tumakbo si Diokno sa 2019 senatorial race pero hindi pinalad na makapasok sa “Magic 12”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?