42

Nov 18, 2021 @ 19:31
By

Maraming dapat itama sa gobyerno! – Duterte

Maraming dapat na baguhin sa gobyerno gaya ng paraan nang pag-iimbestiga sa Senado.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng walong integrated seaport development projects sa Mindo at Calapan Port Passenger Terminal Buildig sa Calapan City, Oriental Mindoro nitong Huwebes.

Sinabi ng Pangulo na hindi ang institusyon ang dapat baguhin kundi ang mga nakaupong opisyal lalo na sa paraan ng kanilang pag-iimbestiga.

“There are so many things in government that has to be corrected. Mali si Senator Risa, sabi niya you cannot change the institution. You do not change anything there, pero yung pambababoy ng witnesses,” anang Pangulo.

Nakita aniya ng publiko kung paano bastusin at sigaw-sigawan ni Senador Richard Gordon at ilan pang senador ang mga opisyal ng ehekutibo na ipinapatawag sa Senado at nakokompromiso ang mga trabaho lalo na asa paglaban sa COVID-19.

“Kung magsalita itong sina Gordon, Drilon, bright sila na pinuputol, hindi talaga nakakasagot , walang sagot so walang totoong lalabas. If that is the way how you conduct your inquiry, and your behavior is you want to talk gaya ni Gordon, ayaw magpatalo,” dagdag ng Pangulo.

Nagsimula aniya ang imbestigasyon sa umano’y corruption sa mga biniling medical supplies ng gobyerno subalit walang napatunayan at ngayon ay napunta na sa isyu ng hindi pagbabayad ng buwis ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.

“You might want to separate the other issues about non-payment of taxes. That is not the part of the inquiry dito sa corruption na wala naman,” wika ng Pangulo.

Sinabi ng Presidente na wala siyang pakialam sa Pharmally at bahala na ang mga senador kung ano ang gustong gawin, kahit patayin pa ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?