Maraming bala ang tumama sa Mandaluyong shooting victims – EPD

Sharing is caring!

Inilabas na ng Eastern Police District (EPD) ang resulta ng awtopsiya sa mga biktima sa Mandaluyong shootout noong Disyembre 28.

Sa ulat, lumabas na nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril ang mga ito na nagresulta ng kanilang kamatayan.

Lumabas sa awtopsiya na isinagawa ng EPD Crime Laboratory, na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan at ulo sina Jonalyn Amba-an at Jomar Hayawon.

Ayon pa kay EPD Crime Laboratory PSupt. Isidro Cariño, may tama umano ng bala si Jonalyn sa kaliwang pisngi na tumagos sa kanan niyang pisngi bunga nang malapitang pagbaril.

Hinihintay pa umano nila ang resulta ng ballistics exam sa mga baril ng mga sangkot na pulis upang matukoy kung sino ang bumaril kay Jonalyn.

“Continuous pa po ang aming investigation. Wala pa po ang ballistics examination at trajectory of bullets. Ang meron pa lang ay paraffin test result at autopsy result ng dalawang namatay,” ani Special Investigation Task Group-Shaw chief, PSSupt. Florendo Quibuyen sa UNTV.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?