161

Sep 29, 2017 @ 11:12

Marami pang kasong isasampa kay Faeldon

Hindi lang isa o dalawa kundi maram pang inihahandang iba pang mga kaso si Senador Panfilo “Ping” Lacson laban kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Sinabi ni Lacson na hanggang sa ngayon ay patuloy pa nag pagdagsa ng mga dokumento sa kanilang tanggapan na may kinalaman pa rin anya ito sa mga iregularidad sa Bureau of Customs (BOC) sa ilalim ng pamumuno ni Faeldon.

“We rely on the documents, we rely on the testimonies of the witnesses na galing sa BOC,” saad ni Lacson.

Noong Huwebes, inihain ni Lacson sa Ombudsman ang kasong economic sabotage laban kay Faeldon at ilan pang tauhan ng National Food Authority (NFA) dahil sa rice smuggling sa Cagayan de Oro City noong Marso.

Nag-ugat ang reklamo ni Lacson sa pagpasok ng P34.043 million na halaga ng bigas na walang import permit.

Sinabi ni Lacson na hindi lamang kapabayaan ang ginawa ni Faldon sa shipment kundi sadyang hinayaan niya itong makapasok sa bansa.

Kabilang anya sa ikinakasa pa nilang kaso kay Faeldon ang hiwalay pang rice smuggling sa Batangas gayundin ang may kinalaman sa P6.4 billion na halaga ng shabu shipment na nakalusot sa BOC.

“Marami pang daratig na kaso sa kanya so lahat na paghahamon niya ito ang katugunan. Because i will not take it sitting down also,” saad pa ni Lacson. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?