64

Jun 22, 2020 @ 23:00

Marami pang illegal Chinese clinic sa Multinational Village- homeowners

Umapela ang mga opisyal ng Multinational Village homeowners association sa awtoridad na magsagawa uli ng inspeksyon sa kanilang Paranaque bunsod ng ulat na marami pang underground Chinese clinic sa loob ng subdivision.

“If there are more illegal Chinese clinic or hospital inside Multinational Village, let us raid and finish off it now,” sabi ni Arnel Gacutan, president ng Multinational Village Homeowners Association Inc. (MVHAI).

Nauna nang sinalakay ng mga city health official at mga tauhan ni Mayor Edwin Olivarez ang pangalawang illegal Chinese clinic sa loob ng village na nanggagamot ng mga pasyente ng COVID-19 na karamihan ay mga Chinese national.

Nadakip sa raid ang Chinese national na si Yongchun Cai, 51, na namamahala sa nasabing gamutan.

Noong Mayo 29 sinalakay ng National Bureau of Investigation-Task Force Against Illegal Drugs ang underground illegal clinic sa isang bahay sa Timothy Street, Multinational Village, Barangay Moonwalk.
Naaresto sina Junshai,Pingqiang Long, Yanyun Jiang, and Tang Hong Shan.

Ayon kay Gacutan, nirerespeto niya ang operasyon ng mga awtoridad sa kanilang lugar laban sa mga illegal Chinese at mga iligal na establisimento.

“We do not want to meddle or usurp jurisdiction from our duly constituted authorities, but we are actively cooperating with them,” sabi pa nito.

Nauna nang kinumpirma ni Paranaque Police chief Col. Robin Sarmiento ang posibilidad na marami pang underground Chinese clinic sa Parañaque dahil sa pagdagsa ng mga Chinese sa lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?