74

Nov 23, 2017 @ 19:06
By

Marami nang inabsuwelto ang DOJ – Koko

Pagpapaliwanagin ni Senate President Koko Pimentel si Justice Secretary Vitaliano Aguirre III kaugnay ng pag-absuwelto ng Department of Justice (DOJ) sa lahat ng dati at kasalukuyang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na nadawit sa smuggling ng mahigit 600 kilo ng shabu noong Mayo.

Ayon kay Pimentel, malabo ang pasya ng panel ng DOJ ukol dito dahil imposible naming wala kahit isang taga-BOC na kasabwat ang mga nagpuslit ng shabu na galing sa China.

“Kung walang isinama na Customs doon, medyo malabo. How could such a big shipment, 600 plus kilos ng shabu and in an organized way, malusot sa Customs na wala silang involvement? So there must be somebody there from the inside who facilitated the release of the shipment,” diin ni Pimentel.

Aniya, kakausapin niya si Aguirre bilang kasamahan nito sa PDP-Laban dahil hindi ito ang unang beses na inabswelto ng DOJ ang kitang-kita naming sangkot sa anomalya.

Tinukoy ang remiitance firm na Philrem Service Corp. na hindi kasama sa pinakasuhan ng DOJ kaugnay ng laundering ng $81 milyong salapi ng Bank of Bangladesh na na-hack mula sa bangko sa New York at nadala sa bangko rito sa bansa.

“Tingin ko marami-rami akong itatanong. Kausapin ko si Sec. Aguirre for explanation because he is a partymate.

Bakit hindi kasama si Faeldon at many of the other subordinates of Faeldon?” ani Pimentel.

“And even dun sa Bangladesh money fraud, pati Philrem hindi kinasuhan. I need to know why. So medyo dumadami dami na tayong itatanong kay Sec. Aguirre,” ayon kay Pimentel. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?