16

Mar 30, 2021 @ 14:08
By

Maraguinot bagong armas ng Perlas

Kumpirmado na ang pagsampa ni Jho Maraguinot sa Premier Volleyball League.

Ito’y matapos ianunsyo ng Perlas Spikers na parte na ng kanilang koponan si Maraguinot, na dating naglaro para sa Ateneo Lady Eagles.


Isa si Maraguinot sa mga star player ng UAAP habang nasa Ateneo, nagwagi ng kampeonato sa Season 77.

Makakasama ni Maraguinot sa Perlas sina Sue Roces, Nicole Tiamzon at Kathy Bersola.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?