198

Nov 17, 2021 @ 8:54
By

Maragondon ex-vice mayor tinodas ng katoma

Dedo matapos pagbabarilin ng nakaalitan sa inuman ang dating vice mayor ng Maragondon, Cavite nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima bilang si Nolito Magallanes, 54-anyos.

Ayon sa ulat, galing si Magallanes sa bahay ng kaibigan sa bayan ng General Trias at nakipag-inuman.

Ngunit may nakasagutan umano ito at napag-isipang umalis para umuwi.

Habang paalis ay hinabol umano siya nito at pinagbabaril.

Tinangka pang dalhin sa pagamutan si Magallanes ngunit ‘di na umabot nang buhay.

Samantala, nakatakas ang suspek at ngayo’y pinaghahanap.

Nagsilbing bise alkalde ng Maragondon si Magallanes mula 2004 hanggang 2007. Tatakbo pa sana siya sa naturang posisyon sa 2022. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?