17

By

Mapua nakaganti sa CSB-LSGH, kampeon ng NCAA Season 94 Juniors!

Sharing is caring!

Naibalik ng Mapua Red Robins ang NCAA Juniors title sa kanilang mga kamay nang patalsikin ang CSB-LSGH Junior Blazers, 77-74!

Ang Mapua High School na ngayon ang may pinakamaraming naiuwing kampeonato sa NCAA Juniors Basketball.

Nanatiling matatag ang Red Robins sa paghabol ng nasipang kampeon na College of St. Benilde-La Salle Greenhills sa MOA Arena nitong Huwebes at naiuwi ang kampeonato.

Nakikinita na ng Mapua ang panalo sa huling yugto ng third quarter sa ipinundar na 69-53 bago nagpakawala ng 19-5 rally ang Junior Blazers para itabla sa 74-all ang iskor sa huling dalawang minuto ng laro.

Pero naibalik ni Dan Arches ang Red Robins sa kalamangan sa pag-iskor, 77-74.

Sa pagkakataong ito, hindi na nakahanap ng butas ang CSB-LSGH para makapuntos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?