60

Oct 2, 2017 @ 19:26

Mapapatalsik si Hontiveros sa Senado – Aguirre

Kumpiyansa si Justice Secretary Vialiano Aguirre na expulsion ang maaaring ipataw ng Senado laban kay Senador Risa Hontiveros kaugnay sa kanyang ethics complaint.

Sinabi ni Aguirre na malinaw ang pagsuway ng senador sa konstitusyon nang kunan ng larawan at isapubliko nito ang kanyang pribadong mensahe.

“Yan ang pinaka-grabeng ginawa ng isang senador na habang andun siya sa loob ng senate nag-violate siya ng konstitusyon at sinasalaula niya ang senado nang ilang beses,” saad ni Aguirre.

Inihain kahapon ni Aguirre ang ethics complaint laban kay Hontiveros makaraan itong magsampa ng kasong paglabag sa Anti wiretapping law sa Pasay City Prosecutor’s office.

“Ang prayer dun either she be suspended or expelled from the senate,” pahayag ni Aguirre.

Kasabay nito, kinumpirma ng kalihim na mag-iinhibit siya sa pagtalakay sa kanyang kasong kriminal sa sandaling umakyat ito sa kanilang hurisdiksyon.

“I will be inhibiting myself from handling the case and besides the jurisdiction is determine by law,” pahayag pa ng kalihim.(Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?