92

By

Mapapahiya lang! UN resolution kontra ‘Pinas, binanatan ng Palasyo

Kinuwestiyon at kinontra ng Malacañang ang resolusyon ng Iceland na pinaboran ng 17 bansa para imbestigahan ang human rights situation sa bansa, partikular ang drug war ng gobyerno at ang umano’y extrajudicial killings.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kuwestiyonable ang validity at pag-adopt ng United Nations sa resolusyon ng Iceland dahil hindi nakakuha ng simple majority sa botohan.

Dapat aniyang umabot sa 24 ang bilang ng boto para makakuha ng simple majority ang resolusyon ng Iceland.

Tinawag ni Panelo na one-sided, malisyoso at nagpapakita ng kawalang respeto sa soberanya ng bansa ang resolusyon ng Iceland.

“The resolution is grotesquely one-sided, outrageously narrow and maliciously partisan. It reeks of nauseating politics completely devoid of respect for the soveignty of our country, even as it is bereft of the gruesome realities of the drug menace in the country,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na mapapahiya lamang ang Iceland at mga bansang bumoto pabor sa resolusyon ng Iceland para imbestigahan ang drug war ng Duterte administration dahil wala namang nagaganap na state-sponsored killings sa bansa.

Malinaw ani Panelo na ang motibo ng resolusyon ay upang ipahiya ang Pilipinas sa international community at insultuhin ang mga Pilipinong nagtitiwala kay Pangulong Duterte.

“It is offensive and insulting to the sensibilities of the 81% of the Filipino people who expressed satisfaction on the kind of forceful and effective governance that President Duterte has given them,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?