786

Jan 14, 2022 @ 16:05
By

Maoi Roca pumanaw na dahil sa komplikasyon sa diabetes

Pumanaw na ang dating basketbolista at aktor na si Maoi Roca dahil sa komplikasyon sa diabetes nitong Biyernes.

Nagpaabot naman ng mensahe at pakikiramay ang mga coach at dating kasamahan para sa pamilya ni Roco.

Si Roca ay naglaro para sa La Salle mula 1994 hanggang 1998. Kabilang din siya sa Batangas Blades sa dating MBA mula 1999 hanggang 2000.

Bukod sa pagiging basketbolista, pinasok din ni Roca ang pag-aartista. Lumabas siya sa ABC5 top-rating gag show na “Tropang Trumpo” noong mid 90s, na mas kilala ngayon bilang “Bubble Gang” nang lumipat ito sa GMA 7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,