59

Aug 4, 2021 @ 17:03
By

Manyakis sa eroplano ginapos sa upuan ng mga kapwa pasahero

Nagtulong-tulong ang mga pasahero na i-tape sa upuan ang kapwa nila pasahero matapos nitong mangmanyak sa loob ng eroplano.

Ayon sa NBC report, dinakip si Maxwell Berry, 22, noong Linggo sa Miami International Airport at kinasuhan ng tatlong bilang ng battery.

Sabado ng gabi, nakainom umano ng alak si Berry at hinipuan ang dalawang flight attendant sa isang Philadelphia-Miami flight ng Frontier Airlines.

Nagtungo pa ito sa banyo ng eroplano at paglabas ay wala na itong damit pang-itaas.

15 minuto ring nagpalakad-lakad sa loob ng eroplano si Berry at nang sabihan siya ng isa pang flight attendant na umupo ay sinapak niya ang huli.

Dito na nakialam ang ibang pasahero ng eroplano at pinuluputan ng duct tape at seatbelt extender si Berry sa upuan.

Inaresto si Berry, taga-Norwalk, Ohio, matapos lumapag ang eroplano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?