359

Feb 25, 2018 @ 10:10
By

Manyakis na Fil-Am, sisibakin bilang US citizen

CALIFORNIA – Dahil sa kanyang pagsisinungaling sa kanyang naturalization interview, kinasuhan ng US District Court sa Sacramento ang isang 47 anyos na Pinoy na nakilalang si Christian Oribello Equilos ng Bellflower, Califonia.

Sa complaint to revoke naturalization ni Acting Assistant Attorney General Chad Readler, sinabi nito sa kanilang demanda na inilihim ni Equilos sa kanyang naturalization process ang kanyang patong-patong na kasong pangmomolestiya sa ilang menor de edad nooong January 6, 2011 hangang December 16, 2014.

Noong September 25, 2015 matapos niyang makuha ang kanyang sertipikasyon bilang isang ganap na Amerikano, inamin nito sa Department of Homeland Security investigator ang kanyang ginawang pang-mamanyak sa ilang menor de edad na ayon sa demanda ng US Government ay malinaw na paglabag sa alituntunin ng proseso para maging isang ganap na Amerikano.

Dahil sa kanyang pag-amin, labing apat na Felony Complaint ang isinampa laban sa kanyang kabilang na dito ang Oral Copulation or Sexual Penetration with Child 10 Years or Younger.

Hinatulan siya ng Superior Court of California, Los Angeles County ng 40 na taong pagkakakulong sa Mule Creek Prison sa lone, California.

Ipinag-utos rin ng korte na ilagay ang pangalan nito sa listahan ng mga sex offenders.

Dahil sa mga kasong ito, hiniling ng US government sa korte na ideklarang illegal ang magiging Amerikano nito at hinihiling nila sa korte na atasan si Equilos na isuko ang lahat ng dokumento na hawak nito na may kaugnayan sa kanyang magiging American Citizen kabilang na ang Certificate of Naturalization.

Hinihiling din nila na itigil ang lahat ng benepisyo na nakukuha nito sa gobyerno ng Amerika.

Si Equilos ay kabilang sa limang kataong sinampahan ng complaint to revoke naturalization dahil sa pagsisinungaling sa naturalization process.

Si Equilos din ang kauna-unahang Pinoy na isasailalim sa Denaturalization ng administrasyon ni Donald Trump.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?