102
Pulis na dawit sa pag-torture sa preso, arestado sa Tondo
By

Manyak na Kuwaiti timbog sa Makati

Kalaboso ang isang Kuwait national na nireklamo ng isang dalagang make-up artist matapos ilabas umano ng dayuhan ang kanyang ari at nag-masturbate sa harapan ng biktima sa loob ng isang hotel sa Makati City nitong Lunes ng hapon, Agosto 26.

Sa detention cell ng Makati City Police ang bagsak ng suspek na nakilalang si Alenezi Saleh, pansamantalang nanunuluyan sa isang hotel sa Barangay San Lorenzo ng nasabing lungsod at nahaharap sa kasong unjust vexation.

Nakilala naman sa pangalang Merly ang biktima, isang 22-anyos na make-up artist.

Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang maganap ang insidente.

Nauna rito, kinuha ng dayuhan ang serbisyo ng biktima upang magpa make-up.

Ngunit, sa kalagitnaan ng trabaho ng biktima, bigla na lamang umanong naglabas ng ari ang dayuhan at nilaro ito kasabay ng paghiling umano ng dayuhan sa biktima na imasahe siya nito.

Agad na humingi ng tulong ang biktima sa mga guwardiya ng hotel at ipinahuli ang suspek.

Dinala ang dayuhan sa tanggapan ng Women and Children’s Protection Desk ng Makati City Police at sinampahan ng nasabing kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?