505
3 Badjao huli sa pagpatay sa pawikan
Aug 1, 2019 @ 11:49
By

Manyak 3 taong ginahasa ang pamagkin

Arestado noong Miyerkules ang isang 25-anyos na lalaki matapos niyang gawing sex slave ang kanyang 10-taon na pamangking babae ng tatlong taon sa bayan ng Manaoag, Pangasinan.

Kinilala ni Pangasinan Police Office (PPO) public information office P/Lt. Alma Cruz ang suspek na si Mike Cerdan, na nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Cruz na pitong-taong-gulang pa lamang si “Bea” (hindi tunay na pangalan) ng siya ay halayin at gahasain ng suspek sa loob ng kanilang bahay.

Sinabi sa testimonya ng Bea, kaya siya nanahimik sa panghahalay sa kanya ng suspek dahil may pagbabanta na papatayin siya kapag nagsumbong siya kahit kanino.

Ayon sa Manaoag Police Station (MPS), nakaramdam na umano ng sakit ng tiyan at lagnat ang biktima kung kaya’t nagsumbong na ito sa kanyang lola na agad na sinamahan sa women’s desk ng MPS na agad na inaresto si Cerdan.

Sa resulta ng medico-legal ng biktima, positibo umano siyang nagahasa dahil sa mga laceration sa kanyang masilang bahagi ng katawan.

Bukod sa rape, nahulihan din si Cerdan ng dalawang paketeng shabu sa kanyang bulsa at inamin ang panggagahasa sa biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?