56

By

Manugang dedo sa mabangis na biyenan

Sharing is caring!

Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang isang lalaki matapos mapatay sa hampas ng ng matigas na bagay ang kanyang manugang makaraang magkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa patayan, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), subject for manhunt operation ngayon ang suspek na si Zosimo Nelvida, nasa hustong gulang at father in law ng biktima na si Michael Pacurib y Macawili, construction worker na agad na nasawi matapso paghahambalusin ng matigas na bagay ng kanyang biyenan.

Batay sa report, naganap ang insidente bandang alas 9:00 kamakalawa ng gabi sa labas ng kanilang bahay sa Sgt. De Leon St., sakop ng Barangay Santolan, Pasig City nang magkasagutan umano ang mga biyenan na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Ayon sa asawa ng biktima na si Jenita Pacurib, palagi umano silang nagtatalo ng kanyang asawa at naririnig ng kanyang ama kaya malamang na napuno na ito at ipinagtanggol na ang anak.

Pinaghahampas umano ng matigas na bagay ang biktima dahil sa matinding galit ng biyenan at iniwan ng makitang wala nang buhay ang biktima at agad na tumakas ang biyenang suspek na ngayong ay pinaghahanap ng pulisya para sa kasong homicide.

Dead on arrival na ang biktima nang dalhin sa Amang Rodriguez Medical Center (ARMC).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?