71

May 21, 2019 @ 20:50
By

Manuel tengga pa ng ilang linggo

Muling naantala ang balik ni Alaska forward Vic Manuel, nagkaroon ng panibagong injury bago pa magsimula ang PBA Commissioner’s Cup nitong Linggo.

December pa huling naglaro ang top local ng Aces noong nakaraang season, sa Finals ng Governors Cup kontra eventual champion Magnolia.

March ay tinamaan sa praktis ang likod ni Manuel na nagpaliban sa kanya sa Philippine Cup, ‘di na nakapaglaro sa season-opening tournament.

Isang linggo bago nagsimula ang midseason conference, inabot muli ng injury ang 31-anyos na Novo Ecijano, ngayon ay sa hita naman.

“’Nung Monday, parang nag-tight ‘yung calf ko,” paliwanag ni Manuel. “Na-pull ko yata siya kaya hangga ngayon, ‘di pa ako nagpapraktis. May rehab akong isang linggo pa.”

Sa Biyernes aniya malalaman kung makakapag-ensayo na siya kinabukasan.

Wala ang 6-foot-4 power forward sa opening day ng torneo, pero sumakay ang Aces sa 25 points, 16 rebounds ni import Chris Daniels para itaob ang Columbian Dyip 111-98 noong Linggo sa MOA Arena.

Babalik ang Alaska ngayon, susubukang kubrahin ang follow-up win kontra NorthPort sa first game sa Ynares Center sa Antipolo.

Masusubok si Daniels laban sa first-timer din sa PBA na si Prince Ibeh, ang 6-foot-8 center na produkto ng Texas Longhorns at sa Long Island Nets sa G-League.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?