54

By

Manuel sinulit ang huling stint sa Gilas

Hindi inaasahan ni Alaska Aces forward Vic Manuel na mapapabilang siya sa huling lineup ng Gilas Pilipinas para sa 30th Southeast Asian Games.

Kaya naman sa edad na 32, sinulit na ni Manuel ang kanyang posibleng huling stint para sa national team.

“Di ko na ine-expect yun, pero sobrang masaya talaga ako,” ayon kay Manuel, na sinungkit ang kanyang unang SEA Games gold.

Sa naturang biennial meet, nag-average si Manuel ng 15.6 points at 4.2 rebounds, isa sa mga top performer para sa national team, na posibleng huli na dahil sa kanyang edad.

“Oo naman, syempre. Hindi naman na ako bumabata at matanda na rin ako. Yung iba siguro, maiiwan sa Gilas tapos kami one-and-done lang talaga eh. Pero talagang masaya na ko na ma-experience na makapaglaro sa national team,” aniya pa.

“Sobrang happy na ako. Kuntento na ako. Ma-experience ko lang, ayos na sa akin yun.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?