35

Jan 16, 2021 @ 18:15
By

Manuel relax sa probinsya

Sa probinsya napili ni ‘Muscleman’ Vic Manuel na mamalagi habang bakasyon pa ang PBA na sa Abril pa magbubukas.

Sa social media account ni Vic, makikita na nasa Nueva Ecija ito kasama ang kanyang mag-anak.

Maingay ngayon ang pangalan ni ‘Muscleman’ dahil sa trade na hinihingi nito mula nang hindi magustuhan ang deal na ibinigay sa kanya ng kanyang mother team na Alaska Aces.

Lumayo muna si Manuel sa isyu at pa-chill chill lang muna ito sa probinsya.

Enjoy na enjoy ni Manuel ang simpleng buhay sa tabi ng bukid, pahinga muna mula sa ingay ng Maynila. (Sarah Jireh Asido)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?