24

By

Manuel ‘pinakinabangan’ si Abueva

Sharing is caring!

Isa si Alaska Aces forward Vic Manuel sa nakinabang sa nabakanteng puwesto ng suspendidong si Calvin Abueva, umakyat sa 25 puntos at limang rebounds ang average ng una sa kasalukuyang 2018 PBA Commisioner’s Cup.

Ngunit para sa kanya, mas gugustuhin nitong bumalik ang kanyang partner kahit pa maganda ang nilalaro ng kanyang koponan na hawak ang kartadang 6-1.

“Kailangan namin siya sa team. Alam naman natin ang capabilities ni Calvin,” walang kagatol-gatol na deklara ni Manuel.

Bagama’t sabik na ang two-time PBA Player of the Week ngayong kumperensya na makasama sa court ang kanyang ‘kapatid’ na si Abueva, tiwala naman siya sa desisyon ng Alaska management.

“Wala naman kaming galit sa kanya, pero player lang din naman ako. Kung sa akin man gawin ‘yun (suspensiyon), wala akong magagawa. Management ‘yun,” dagdag pa niya.

Nagbigay din ang 30-anyos na si Manuel ng mensahe sa problemang pinagdadaanan ni Abueva.

“Malaki ang pinagdadaanan niya, pero kami naman nasa likod lang niya kami. Kung anuman ‘yan, malalampasan niya rin ‘yan,” saad ni ‘The Muscle Man’. (Ray Mark Patriarca)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?