4

By

Manuel handa na sa semis

Sharing is caring!

Pagkatapos ng dalawang taon, balik sa semifinals ang Alaska, haharapin ang San Miguel Beer sa best-of-five series ng PBA Commissioner’s Cup umpisa bukas (Hulyo 14) sa MOA Arena.

Walang Calvin Abueva (indefinite suspension) at isang buwan ding nagpahinga si Jeron Teng (stab wounds), pero tinapos ng Aces ang 11-game eliminations sa No. 2 spot at twice-to-beat sa quarterfinals.

Hindi inaksaya ang bentahe, sinipa ng Alaska ang Magnolia sa isang laro lang.

Malaking bagay si forward Vic Manuel sa kampanya ng Aces, naka-11 sunod na laro ang Muscle Man na may 20 points o higit pa. Sa 89-78 win kontra Hotshots noong July 10 ay may 22 points at nine rebounds si Manuel sa loob lang ng 24 ½ minutes.

“Masaya kasi after dalawang taon ‘ata, ‘di kami naka-semis,” ani Manuel pagkatapos ng 10 for 20 shooting performance. “Sobrang saya kasi nakabalik na kami ngayon.”

Para magkaroon ng tsansa kontra June Mar Fajardo, Renaldo Balkman at ang Beermen, umaasa si Manuel na magtuloy-tuloy ang magandang laro.

“Kaso parang ‘yun na ‘yung limit ko,” natatawa niyang sabi. “Nagkaproblema nga kami kasi nawala ‘yung dalawang scorers namin. Kino-contribute ko lang ‘yung mga ginagawa ko para ma-maintain ko ‘yung laro ko.”

Napadali ang trabaho ni Manuel sa pagdating ni balik-import Diamon Simpson na todo-kayod din sa dalawang larong sinalangan, huli nang magsumite ng 13 points at 15 rebounds kontra Hotshots. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?