22

Manuel binalikat ang Aces sa panalo vs Hotshots

Nasa pangalawang puwesto na ngayon ang Alaska Aces matapos ungusan ang Magnolia Hotshots, 103-99 sa Araneta Coliseum Linggo ng gabi.

Nagbida sa Aces si Vic Manuel sa natipong 35 puntos, off the bench, kabilang ang mahahalagang tira sa huling bahagi ng laro.

Umayuda si Antonio Campbell na may 28 puntos at 15 rebounds. Wala ibang manlalaro ng Aces na naka-double figures maliban kay Manuel.

Dahil sa panalo, umakyat ang Alaska sa 6-1 katabla ang TNT sa ikalawang puwesto, sa likod ng nangungunang Rain or Shine (7-1).

Tumabla naman ang Magnolia sa GlobalPort sa kartadang 3-4, sa likod ng Meralco (5-2), San Miguel (3-3) at Columbina (4-5)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?