38

Jan 9, 2021 @ 21:29

Manuel bet Phoenix, NLEX o San Miguel

TATLONG team ang mga nasa listahan ni Vic Manuel, na nagpahayag na nais nang lisanin ang Alaska Aces matapos madismaya dahil hindi siya na nahainan ng mas mahabang contract extension matapos mapaso ang dating kontrata nito Disyembre 31.

“Sabi niya puwede ako sa Phoenix kasi makakasama ko si Calvin,” kuwento ng player agent na si Danny Espiritu.

“Puwede rin ako sa NLEX kasi gusto ko si coach (Yeng Guiao). Puwede rin naman ako sa San Miguel kasi kaibigan ko si Arwind (Santos),” added the veteran. Pero puwede rin naman ako kahit saang team, ” sabi raw ni Manuel, ayon pa sa agent na si Espiritu. (Abante Sports)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?