0
views

By

Manual recount sa presinto sa Iloilo, ipinatigil ng PET

Sharing is caring!

Iniutos ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang pagsuspinde sa manual recount sa mga basang balota na mula sa Iloilo na kasama sa electoral protest sa pagitan nina Vice President Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos.

Sa anim na pahinang resolusyon na may petsang July 10, 2018, partikular na iniutos ng PET ang pagpapatigil sa revision proceedings o manu-manong pagbibilang ng boto mula sa Clustered Precinct No. 22 sa Barangay Puerto Princesa sa Bayan ng Barotac Viejo sa Iloilo.

Kasabay nito, iniutos din ng PET na gamitin na lamang sa pagbibilang ang decrypted image ng balota mula sa nasabing clustered precinct.

Samantala, pinagpapaliwanag din ng PET ang Municipal Treasurer ng Barotac Viejo na may kustodiya sa ballot boxes kaugnay ng nawawalang minutes of voting at election return mula sa Clustered Precinct Number 29 sa Barangay San Francisco, pati na ang problema sa selyo at malaking bitak sa ballot box mula sa nasabing lugar.

Pinagpapaliwanag din ng PET sa loob ng sampung araw ang isa sa mga head revisor na si Princess Bometivo kaugnay ng naiwan na isang piraso ng Voters Verification Receipt sa ilalim ng kanyang lamesa at kung bakit hindi siya dapat alisin bilang head revisor dahil sa kapabayaan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?