25
views

By

Mantua mas gustong maglaro sa FEU kaysa UST

Sharing is caring!

Mas pinili ni dating SHS-Ateneo de Cebu guard Travis Mantua na maglaro para sa Far Eastern University (FEU) Tamaraws kaysa sa University of Santo Tomas (UST) Tigers.

Matatandaan noong 2017 ay nakapag-commit na si Mantua na maglalaro siya para sa UST pero dahil sa pagbabago sa coaching staff ng Tigers ay mas pinili nito na maglaro sa FEU.

Paliwanag ng Filipino-Australian guard, hindi UST ang tamang lugar para sa kanya at sa tingin niya na mas makikinabang siya nang husto sa FEU dahil sa playing system nito na swak sa kanyang paglalaro.

Dagdag pa niya, wala daw kaso sa kanya kung hindi siya agad makapaglaro sa court at anya gagamitin niya daw ang mga oras na yun para makapaghanda at makapagsanay.

“The top two point guards this year are graduating and there will be seven spots next year and I think I have a chance of making the lineup. I don’t mind preparing one year for it,” ani Mantua.

Ayon naman kay Jem Ryn Betia, humahawak sa Team B ng FEU, magaling anya si Mantua gaya ng mga napabalita.

“He’s been doing well from what I have seen in our practices and the games sa Team B. Point guard na point guard talaga,” dagdag ni Betia. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?