6

Sep 27, 2020 @ 22:08
By

Mansyon ni MJ sa music video

Trending ngayon sa social media ang bagong awitin ni American rapper Travis Scott kung saan bida sa music video ang mansyon ni National Basketball Association (NBA) greatest of all time (GOTA) player Michael Jordan.

Sa ulat nitong LInggo, nabigyan ng pagkakataong ma-videohan ng 29-anyos rapper ang tirahan nang pahintulutan siya mismo ng ‘His Airness.’

Nagkakahalaga ang mansion na nasa Illinois, Chicago ng $14.8M (P717M).

Hindi malayo ang koneksyon ng rapper sa basketbolista dahil mismong si Travis ay may signature shoe ng Hall of Famer na kung tawagin ay ‘Air Jordan 1 high OG TS’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?