42

By

Manolo Pedrosa ganadong magtrabaho sa Kapuso

Sharing is caring!

Very Kapuso na ngang talaga ang dating PBB housemate na si Manolo Pedrosa.

Kasama siya sa list ng mga Kapuso celebrity na tatakbo sa The Color Run Ph sa Linggo, November 18 sa McKinley.

Kahit si Manolo, tuwing kausap namin ay palaging happy lang ito. Ni hindi niya yata naramdaman ang adjustment stage dahil halos lahat daw ay very welcoming sa kanya sa GMA since day one. Kaya aminado itong masaya at ganado siya palaging magtrabaho.

Fan din si Manolo ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes kaya ganun na lang ito kasaya na sa mga unang araw pa lang niya na pagtungtong sa GMA, ang actor na ang nakilala niya. Sabi niya, “Parang coincidence nga na after signing, nag-meet kami ni Mr. Dong so it’s an honor, siyempre nasa GMA ka and it’s an honor to meet Mr. Dong and Ms. Marian.”

First time raw ng Pamilya Roces star na tumakbo at excited daw siyang talaga. Bukod pa sa parang timing daw na sa 21st birthday niya, parang giving back ang ginagawa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }