67

Aug 3, 2021 @ 12:47
By

Manok ni Atong hinimas ni Gretchen

Kinakarir na talaga ni Gretchen Barretto ang pagkahilig sa sabong, at maging ang tamang paghawak at pagbitaw ng manok ay inaaral na nito.

Ito ay matapos mag-viral sa Facebook ang isang event ng sabong kung saan makikitang tinuruan ni Atong Ang si Gretchen kung paano humawak at magbitaw ng manok.

“Lady Tiger” pa nga ang pangalan ng manok panabong na pinahawak ni Atong kay Gretchen.

Hindi na bago sa madla ang pagkakaugnay ni Gretchen sa sabong at maging sa casino, particular na ang mga operasyon ni Ang.

Kaya naman minsan na ring naging usap-usapan ang tungkol sa relasyon nila, bagay na itinanggi naman ni Ang.

Ayon kay Ang, madalas lamang silang magkasama ng aktres dahil nga magkasosyo sila sa ilang pagsugalan. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?