21

By

Manok nanalo sa beauty contest

Nagwagi sa pagandahan ang babaeng manok na si Elsa sa Hen Category ng 2019 Open Contest for Ornate and Beautiful Serama sa Sabah, Malaysia.

Nagmula sa Brunei si Elsa na pag-aari ni Mr. Emran bin Haji Damit, na hobby ang pag-aalaga ng mga ornamental serama, isang breed ng manok na hinahangaan dahil sa maumbok nitong dibdib at parang sundalo ang tindig, ayon sa Straits Times.

Nasa 98 kandidatong serama ang napataob ni Elsa sa poultry pageant na inorganisa ng Team Serama Putatan sa Kota Kinabalu.

Kalimitang serama ang kinakaing manok sa Malaysia dahil sa umano’y aphrodisiac effect nito o pagkadagdag ng sexual desire at ginagamit din umano ito bilang treatment sa asthma.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?