39

Oct 10, 2021 @ 16:18
By

Manobo tinumba ng NPA sa harap ng bagets

Pinagbabaril ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) nag isang lalaking Manobo sa Barangay Magroyong, San Miguel, Surigao del Sur noong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Boy Maca Astudillo, 47-anyos.

Ayon sa ulat ng PNA, kasama ng biktima ang kanyang 11-anyos na anak nang paulanan ito ng bala ng tatlong armadong indibidwal.

“Based on the testimony of my cousin’s son who witnessed the incident, one of the three NPA rebels fired an AK-47 rifle at the victim three times. He shouted at them to stop and wanted to help his father but the two other insurgents tightly held him,” pahayag ni Datu Rico Maca, kinatawan ng mga Indigenous Peoples sa San Miguel.

Ikinasa na ng pulisya ang follow-up operation upang mahanap ang tatlong salarin, na dalawang lalaki umano at isang babae. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,