32

By

Manny Villar trumiple ang halaga, 2nd richest Pinoy ng Forbes

Sharing is caring!

Pumalo ng halos triple ang itinaas ng net worth ni dating Senador Manny Villar mula noong 2017 at sapat para tumaas sa ikalawang puwesto sa listahan ng Forbes sa pinakamayayamang personalidad sa Pilipinas.

5-billion US dollars o P267.3 bilyon ang kasalukuyang net worth ng real estate tycoon, halos triple sa 1.6B US dollars noong nakaraang taon.

Naungusan niya ang businessman ring si John Gokongwei Jr. na bumagsak sa ikatlong puwesto na bumaba ang net worth mula $5.5 billion patungong $4.4 billion.

Sinabing ang pagtaas ng net worth ni Villar ay dahil sa kanyang mga share sa real estate business na Golden Bria Holdings, Starmalls Inc., Vista Land at Lifescapes.

Samantala, nangunguna pa rin si SM Malls founder Henry Sy na may US$18.3 billion na net worth.

Kumumpleto sa listahan ay sina John Gokongwei Jr. ($4.4 billion), Jaime Zobel de Ayala; ($4 billion), Enrique Razon Jr. ($3.9 billion), Tony Tan Caktiong ($3.85 billion), Lucio Tan ($3.8 billion), Ramon Ang ($2.85 billion), George Ty (2.75 billion) at Andrew Tan ($2.6 billion).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?