242
Manny Pacquiao tatagpasin ang game-fixing sa MPBL
Jun 10, 2019 @ 16:57
By ,

Manny Pacquiao tatagpasin ang game-fixing sa MPBL

Nakipagtulungan sa ilang eksperto ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) para mahuli aniya ang mga nasa likod sa umano’y game fixing sa loob ng liga.

Mismong si founder at chief executive officer Senator Manny Pacquiao ang nanguna para sugpuin ang ganitong klaseng gawain.

“Gusto kong pangalagaan ang MPBL. Gusto kong ang tao hindi niloloko. Gusto ko ang game laging competitive. Hindi yung maraming hokus-pokus,” sabi ni Pacquiao.

“Ayaw kong niloloko natin yung sambayanang Pilipino. Wina-warningan ko lang baka pagdating ng panahon mawala na kayo na parang bula.”

May mga hindi kumpirmadong report na nakarating sa opisina ng MPBL Commissioner tungkol sa alegasyon ng game fixing.

Ayon kay Pacquiao, magbibigay siya ng pabuya sa mga tao na makakapagpapakita ng ebidensiya sa game fixing o kahit odds game na makakaapekto sa resulta ng laro.

“May mga grupo na tayo na expert dyan para magsubaybay sa mga players na kahinahinala, mga taong pumapasok outside the league. Bantayan natin sila. Magtulungan na lang tayo. Kapag may nalaman tayo na information, sumbong niyo agad sa akin, ako na bahala doon,” panapos nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?