512

Oct 23, 2018 @ 15:05
By

Manny Pacquiao pirma sa adviser ni Mayweather

Opisyal na ang partnership ni Manny Pacquiao at ang adviser ng kanyang matinding na karibal na si Floyd Mayweather Jr.

Sa naging statement ni Pacquiao, inanunsiyo niya ang pagkuha sa serbisyo ni Al Haymon, adviser hindi lamang ni Mayweather, kundi hawak din sina Adrien Broner, Errol Spence Jr., Keith Thurman at Shawn Porter.

“I’m very excited about this new chapter in my career, and I’m looking forward to a fresh start, I’m reinvigorated by the prospects of bringing up new fighters under the MP Promotions banner,” saad ni Pacquiao sa isang pahayag.

Mananatili umano ang partnership ng dalawa hanggang sa pagtatapos ng kanyang karera sa basket.

“Those are the fights the fans want to see and the ones I want to have to close out my career,” ayon din kay Pacquiao.

Unang sabak ng kanilang pagsasama ay sa muling paglaban ni ‘Pambansang Kamao’ para depensahan WBA welterweight title, na maaaring makalaban ang alaga din ni Haymon na si Broner.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?