78

Jul 8, 2018 @ 16:17
By

Manny Pacquiao isinara na ang training camp

Kumpiyansa na si Pinoy boxing icon Manny Pacquiao sa huling 5 rounds ng sparring niya sa kaniyang training camp sa General Santos City.

Masaya at kuntento na raw ang 8-division world champion kaya’t isinara na niya ang kaniyang training camp nitong Sabado.

Pokus, alerto at pagiging mabilis na lamang ang kailangan mapanatili ni Pacquiao sa WBA world welterwieght fight nila ni Argetinean Lucas Matthysse sa darsting na July 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“Siya mismo nagsabi na happy siya sa training camp ngayon,” sabi ni Buboy Fernandez.

Inaasahan ng 39 anyos na si Pacquiao matalo si Matthysse sa kakaibang paraan na hindi pa nagagawa sa boxing world.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?