By

Manny Pacquiao, ‘di nasorpresa sa pagkatalo ni Horn

Sharing is caring!

Hindi ikinagulat ng Pinoy boxing icon na si Manny Pacquiao ang pasabog na performance ni Terence Crawford kontra Jeff Horn sa WBO title fight sa Las Vegas, Sabado ng gabi (Linggo, Manila time).

Technical knockout ang nagpabagsak kay Horn sa 9th round dahilan para makuha ni undefeated Crawford ang WBO belt, na dating pagmamay-ari ni Pacquiao.

Kasalukuyang napapabilang ang heavy underdog na si Crawford sa mga top pound-for-pound fighters na may record na 33-0 at 24KOs.

Na-impress ni Crawford ang fighting senator sa galing na ipinamalas niya sa unang round pa lamang.

“As expected, Crawford won the fight by knockout. ‘Yon talaga nangyari,” sabi ni Pacquiao.

Nakatakdang magharap sa boxing ring sina Pacquiao at Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur, Malaysia sa July 15.

At kung matalo ni Pacquiao ang Argentine counterpart, balak nitong maka-showdown si Crawford. (Anne Lorraine Gamo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?