10

Jul 18, 2021 @ 18:08
By

Manny lumambing pagkatapos mag-training

Sa kabila ng pagtutok niya sa kanyang laban sa Agosto ay hindi pa rin nakakalimutan ni dating eight-division world champion at Senador Manny Pacquiao ang kanyang gampanin bilang asawa.

Sa isang Instagram post nitong Linggo (oras sa Pilipinas) ibinahagi ng boksingero ang isang sweet photo kasama ang maybahay na si Jinkee.

“Date night with my beautiful wife after a long day of training,” saad sa caption.

Kita sa picture kung gaano ka-sweet ang dalawa, kung saan makikitang sila ay tila nasa isang mamahaling restaurant at may hawak na bulaklak si Jinkee.

Naipost din ni Jinkee sa kanyang Instagram ang kanilang date ng senador.

“Date night with my babe!” saad sa caption.

Nasa Los Angeles din si Jinkee para sumuporta sa laban ng asawa sa Agosto 21 laban kay Errol Spence.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?