67

Jun 22, 2022 @ 18:19
By

Manny, Jinkee ‘nilanggam’ sa Switzerland

Nagsaboy ng kilig sa Instagram ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao.

Sa post ni Jinkee, mala-Korean drama ang eksena habang naglalambingan sila ng senador sa harap ng isang lawa sa Switzerland.

Iba-ibang pose, mula sa pagsandal sa balikat, holding hands, at malagkit na titigan ang ginawa ng dalawa habang nasa harapan ng napakagandang lawa.

Higit sa lahat, hindi nawala ang matinding halikan nina Manny at Jinkee.

Kasama ng mag-asawa ang kanilang mga anak at bukod sa Switzerland ay binisita rin nila ang Germany.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?