83

Jul 12, 2021 @ 15:32
By

Manny, Isko, Sara, Tulfo bros. patok sa Senado

Naglalaban sa tuktok sina Senador Manny Pacquiao, Manila Mayor Isko Moreno, at magkapatid na sina Erwin at Raffy Tulfo sa bakbakan sa pagka-senador, ayon sa survey na inilabas ng Pulse Asia at Social Weather Stations (SWS).

Base sa isinagawang poll ng SWS mula June 12 hanggang June 15, patok sa masa sina Pacquiao, Moreno at Erwin Tulfo bilang top 3 senatoriable sa 2022.

Bukod sa tatlo ay pasok din sa Magic 12 ng SWS sina dating senador Bongbong Marcos, Sorsogon Governor Chiz Escudero, Antique Rep. Loren Legarda, Senador Migz Zubiri, Senador Ping Lacson, dating senador Jinggoy Estrada, Senador Kiko Pangilinan, Dr. Willie Ong at Senador Win Gatchalian.

Base naman sa senatorial survey ng Pulse Asia mula June 7 hanggang June 16, nanatili pa rin sa itaas sina Pacquiao at Moreno.

Samantala, nadagdag ang pangalan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na pumwesto sa pang-3 hanggang 6 na rank.

Kung ikukumpara sa survey ng SWS, ilang bagong pangalan ang nakapasok sa Top 12 ng Pulse Asia, kasama dito sina Raffy Tulfo at dating House Speaker Alan Peter Cayetano.

Bukod pa sa dalawa, entra din sa listahan sina TV host Willie Revillame, pati na rin ang dating Bise Presidente na si Jejomar ‘Jojo’ Binay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?