26

By

Manlapaz tinagpas ang malas ng AdU

Tinapos ng Adamson University (AdU) Soaring Falcons ang apat na sunod na pagkatisod sa bisa ng 72-53 panalo kontra National University (NU) Bulldogs Sabado sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

Angat sa 4-6 win-loss record ang Adamson ni coach Franz Pumaren, na nakakuha ng 14 puntos kay AP Manlapaz na nag-init sa final canto.

“We really needed this win. Every game for us right now is important,” sey ni Franz.

Walo sa 14 marka ni Manlapaz ang isinalpak niya sa fourth frame, nakatuwang niya rin si Jerrick Ahanmisi sa sariling 15 marka.

Walang saysay ang 15 marka ni Dave Ildefonso maging ang 14 points at 10 caroms ni Issa Gaye para sa Bulldogs, na nalasap ang ikawalong talo sa 10 salang. (Aivan U. Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?