529

By

Manilyn Reynes, mister na si Aljohn nagsayaw sa Tokyo Disneyland

Nagliwaliw ang mag-asawang Manilyn Reynes at Aljohn Jimenez kasama ang kanilang mga anak sa Japan.

Sa kanyang Instagram ibinahagi ng “Pepito Manaloto” actress ang ilang ginawa nila sa Japan noong January 3.

Kabilang na rito ang Tokyo edition nila ng kanyang mister ng “Pag lumingon ka, akin ka!” challenge.


Nagtungo rin ang pamilya sa Tokyo Central Railway Station at nilibot ang Imperial Palace.

View this post on Instagram

Tokyo Central Railway Station😊💕🇯🇵

A post shared by manilynreynes27 (@manilynreynes27) on

Binisita rin nila ang sikat na Tokyo Disneyland.

Nagsayaw din na parang walang ibang tao sa gitna ng Tokyo Disneyland ang mag-asawa.

Sabi tuloy ng bunso nilang si Kael na siyang kumuha ng video, “They’re weird!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?