171

Jan 12, 2019 @ 11:36
By

Manila Zoo pinagmumulan ng polusyon

Ang Manila Zoo ay nabanggit na isa sa dahilan ng polusyon sa mga ilog na konektado sa Manila Bay, na balak i-rehabilitate ng administrasyong Duterte sa Enero 27 na nagkakahalaga ng P47B.

Kinumpirma ni Environment Secretary Roy Cimatu sa inspeksiyon noong Biyernes na ang mga pasilidad na panglinis sa mga dumi ng tubig ay napupunta sa bunganga ng ilog papunta sa Manila Bay.

Sinabi ni Cimatu na ang estero ay may 1.3 billion most probable number (MPN) per 100 milliliters ng fecal coliform ng tubig, na dapat ay 100 MPN per 100 ml lamang.

Ayon pa kay Cimatu, lahat ng estero ay dapat nang linisin. “It will include cleanup of all esteros, Laguna Lake and all the outfalls.”

Aminado naman ang mga opisyal ng Manila Zoo na wala silang sewage treatment plant at sinabi ni Cimatu na dapat lahat ng establisimyento na malapit sa Manila Bay ay may sariling sewage treatment plant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?