62

Mar 17, 2020 @ 15:07
By

Manila Water extended ang due date ng 30 araw

Iuurong ng Manila Water Company ng mga Ayala at ni Ricky Razon ang due date ng bill ng customer nito ng 30 araw bilang tugon sa lockdown na ipinatutupad sa buong Luzon para maawat ang pagkalat ng COVID19.

Ayon sa kompanya, ipagpapaliban nito sa mga customer ng 30 araw ang kanilang mga due date para hindi na sila lumabas ng bahay.

“Pangunahin sa amin ang kapakanan ng aming mga customer habang lahat tayo ay natutulong-tulong upang pigilin ang pagkalat ng COVID-19,” sabi ni Manila Water president and chief executive officer Rene Almendras.

Tiniyak din ng Manila Water ang sapat na suplay ng tubig sa service area nito maliban na lamang kung magkakaroon ng emergency repair o maintenance activity.

“Inaalala naming hindi na sila lumabas pa at makipagsapalarang mahawaan upang makapagbayad lang. Hinihikayat naming silang sumunod sa utos ng Pangulong manatili sa bahay,” dagdag ni Almendras.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?