32
Manila Water bababaan ang singil
Mar 31, 2020 @ 15:46
By

Manila Water bababaan ang singil

Simula April 1, 2020 ay magiging epektibo ang pagbaba sa singil ng tubig ng Manila Water dahil sa Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA).

Kung kaya’t ang mga kustomer ng Manila Water na ang konsumo ay nasa 30 cubic meter kada buwan ay mayroong pagbaba na P5.02 sa kanilang babayaran.

P2.46 naman ang ibabawas kung ang kostumer ay naka-konsumo ng 20 cubic meters kada buwan.

At P1.11 naman ang bawas kung ang konsumo ay 10 cubic meters kada buwan.

Ang mga lifeline costumer o ang mga low-income residence na ang konsumo ay mas mababa sa 10 cubic meters ay patuloy na magbabayad ng P87 na lifeline rate per month. (AUER DIAZ)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?