35

Jan 2, 2018 @ 11:30
By

Manila-Roxas flights kanselado

Kinansela ang dalawang domestic flights kaninang umaga dahil sa masamang panahon bunsod ng bagyong “Agaton”.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga kinanselang biyahe kaninang alas-8 na umaga ay ang:

PAL Express
2P 2203 Manila – Roxas
2P 2204 Roxas – Manila

Kasalukuyang binabagtas ng bagyong Agaton ang ilang bahagi ng Visayas taglay ang lakas na hangin na 55 kilometers per hour (kph) at pagbugsong 90 kph.

Huling namataan si Agaton Bais City, Negros Oriental. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?