7

Oct 28, 2020 @ 21:55
By

Manila North Cemetery ikinandado na

Ikinandado na ang Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Manila nitong Miyerkoles ng hapon.

Kasunod na rin iyon ng utos ng gobyerno na isara lahat ang sementeryo sa bansa sa darating na Undas para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease.

Bubuksan muli sa publiko ang isa sa pinakamatanda at pinakamalaking sementeryo sa lungsod sa November 5.

Samantala, papayagang maglabas-pasok sa lugar ang mga naninirahan sa loob ng nabanggit na sementeryo at ang mga authorized persons outside of residence.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?