36

By

Manila, Lastimosa palulubugin ang Imus

Mga laro Sabado/Nob. 16:

(Lamitan Sports Complex)

7:00pm – Imus vs Manila

9:00pm – Basilan vs Nueva Ecija

Ikaapat na kabit na panalo ang asinta ni former NLEX guard Carlo Lastimosa at ng Manila Stars sa pagharap nila kontra Imus Bandera, alas-7 ng gabi sa unang laban ng 3rd MPBL Lakan Cup 2019.

Susubukang payanigin ni Lastimosa ang Lamitan Sports Complex matapos kumana ng 22 points sa kanilang huling asignatura.

Makakatuwang ni Lastimosa si ex-pro Marvin Hayes na may 10 points at 11 rebounds sa laban kontra Pasig para ibigay sa Manila ang 16-3 kartada at No. 3 spot sa Group A North Division.

Mangunguna naman para sa Imus si Jarrel Lim para pagandahin ang 5-15 kartada sa Group B South Division.

Samantala, salpukan sa main game alas-9 ng gabi ang Basilan Steels (12-8) konra Nueva Ecija Rice Vanguards (5-14).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?